Muni-muni Sa Bintana Habang Naulan

Mga damdaming nakapiniid sa kahon na tawag ay bahay pag-ibig,
mistulang ulap na yumayakap sa karagatang laya.
Hindi itim ang kulay mo,
bagkus ika’y pula na kumakatawan sa mga taong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan,
pula na katumbas ng katapangan.
Ika’y bughaw na sumasalamin sa kalangitan,
bughaw na sumasamba sa kapayapaan.
Ika’y puti na sagisag ng pagkaka-pantay pantay,
at ng linis dalisay ng kalooban.
At mananatili ka ring dilaw,
na syang ilaw,
sa bawat isla ng bayan.
Sagisag ng ating lahi.

Siyang Nasa Itaas, Mas Kailangan ka rito sa Lupa

Amang naka-upo sa itaas,

Baka sakaling marinig mo ang salmo’t hinaing ng mga tao.

Sakaling lalabas ka sa kaharian,

tanawin mo naman ang nasa tarangkahan.

Maaari ka ring bumaba sa iyong trono,

at damhin ang pagiging tao;

ang kaliitan ng tao.

Pagpahingahin ang iyong mga sundalo at dama.

Ang iyong misyon ay bumaba,

Ikaw na nasa itaas, mas kailangan ka rito sa lupa.

When Libra is Chained, Mouths are Shut but in Death We Exalt

And now I can no longer write the saddest lines to satisfy my need to make a song coz it’s already written in the streets and in the eyes of the people whose eyes are all dried up from tears.

I can see madness through the lines that people draw to tell others to stop but keep on crossing it. Some were hailed by a few blind followers that it made them forget to look at those who pleaded mercy.

We live in the land when Libra itself is chained and telling the real “truth” becomes an act of terrorizing people’s minds.

This land is where you can find gems and gold bars inside a man’s pocket and blindingly consider their ‘goodness’ as a person, as a father for them not to be condemned.

Actually, the devil is here on this land and she wears heels and neck braces. She’ll soon attend immortality classes from the man who witnessed history but failed to write the best edition.

It’s strange that there are a lot of people here who loves picking up trashes that came from others’ mouths and yet this land is still full of trash and dirt.

I’m contemplating if I’ll sleep while thinking if sooner or later, my rights to rest my bones on this ground will be taken away by monsters we call friends.

Right now, we’re facing different battles at a time. The unseen — a battle between life and death; the undying madness to cage those who speaks — a battle between life and liberty.

And now, this is my plea,

To sing the music of dissent in the streets, to dig the things they forbid us to see and to write history on the walls and every corners where innocent people bleeds.

Through grave or victory, we resist.

Payasong Walang Saya

Hubarin ang ‘yong maskara,
Payasong walang saya.
Palabas ay natapos na,
Kulong ka pa rin sa ilusiyon ng entablado.
Alisin ang pampula at hayaang pawis ay dumaloy.
Mikropono’y iyo,
Sa maikling panahon.
Hindi na maibabalik,
Saya ng ngayon.
Unti-unting humihina ang palahaw at palakpak ng manonood.
Kamay ay nakatali sa kung ano.
Ah! Oo.
Ikaw ay ikinukulong sa kwadradong silid upang imahe mo’y masilayan pa ng iba — ikalat sa birtwal na mundo.
— ikalat daplis ng saya.
At ikaw,
Imahen nakikita ay imahe ng pangamba sa hinaharap.
Kaya’t mata’y sa entablado,
Ang isip ay wala sa “ngayon.”

Hubarin ang ‘yong maskara,
Payasong walang saya.
Imahe ka ba ng nakatanaw sa bukas?
At kawalang pagmamahal sa “ngayon?”
Siyang lakas ng kabeg sa dibdib mo’y,
Siyang hina ng ‘iyong tinig.
Anong mas nakabibingi?
ang tunog ng panandaliang halakhak o ang sigaw ng katahimikan?
Mikropono’y bumitaw na,
kailan ka bibitaw?

Hubarin ang ‘yong maskara,
Payasong walang saya.
Ilaw na nakakasilaw,
ngunit hindi ka na lumilitaw.
Umalis na sila.
Naryan ka pa rin.
Lumipad na ang ngayon…
Oo nga pala!
Baba na!
Tapos na ang palabas.

Pulang Tali

Sa tuwing humaharap sa’yo ay mistulang nananalamin,

Magkaibang daan man ang tinatahak ay sabay ang bawat kumpas ng kamay,

Ang bawat hagod sa papel na kinukulayan ng ating malikot na isip,

Bawat paghabi ng talatang galing sa ating sugat at saya,

Nawa’y pagsilang ng liwanag,

hindi man magkadaupang palad muli,

Sabay pa rin ang ating mga paa na umiindak sa saliw ng musikang likha ng puso,

na pinagisa ng sining at salita.