Taglay Ang Pangakong Iingatan Kita

Dun tayo kung saan malayo sila
Wag mo nang tanawin,
Wag na tayong humabol
Alam ko pagod ka na rin eh.
Gusto ko sanang sabihing “pwede dito ka nalang sakin?”
Kasi kung pagod ka na, mas pagod akong makita kang nadadapa dahil sa kanya.
Hawakan mo ko at hahayaan kitang bumitaw pag ayaw mo na.
Tayo lang dalawa, kahit wala naman talagang tayo.
Tatanggapin ko, wag ka lang mawala.

——————————————————————————————————————————

Pakinggan mo ang isip ko.

Habang nakikinig ako sa Rosas ng Digma ng Musikang Bayan, napaisip ako sa mga posibleng mangyari sa ‘kin sa loob ng anim na buwan. Marami eh, hindi ko lang magawang isa-isahin dahil alam kong ako ‘yong tipo ng taong parang kiti-kiti sa ligalig na gawin lahat ng gusto nyang gawin. Kahit pa alas tres na ng madaling araw at medyo nakakarinig na ‘ko ng mga tilaok na animo’y minamalat na kabayo (ganoong ganoon ang tilaok nang manok ng kapitbahay namin. Biruin mo na sa siyudad may nag-aalaga nang manok tapos ginawa pang sabungan tapat nila?)

Note: Taglay Ang Pangakong Iingatan Kita ay isa sa mga napakalungkot na parte ng kantang Rosas ng Digma at ipagpaumanhin ninyo ang pagbabakasakali kong gawan ito ng sarili kong kwento.

Naniniwala kasi ako doon sa sinasabi nilang 2am tots (thoughts) na kapag ‘yong kamay ng orasa’y lumipat sa numerong ‘yan, maraming posibleng pumasok sa isip ng tao. Nar’yan ‘yong iisiping mong maging astronot (astronaut) hanggang sa maiisip mong paano kung elyen (alien) ka talaga tapos papasok ‘yung masasakit na putapeteng ala-ala na kahit i-walwal mo, hindi mabubura sa sistema mo. Kumbaga, para syang amoy mo na di matatanggal sa katawan mo hangga’t di ka naliligo. Sa madaling sabi, di matatanggal hangga’t di ka natatauhan. Uminom ka na ng kape’t lahat para kumalma, di ka pa rin naka-kali sa higaan mo.

At ‘yon na nga, balik tayo sa kuwento ko, yan hirap sa inyo eh, oo lang nang oo sa mga sinasabi ko. Kapag nag-aastang wala na ko sa sarili, pakisampal nalang ako. Iniisip ko na sa loob ng anim na buwan, maiisip ko kayang gamitin isip ko sa mga bagay na kaisip-isip? Tulad ng pagtatanong ko nang “bakit?” saka “bakit?”. Puros bakit nalang tinatanong ko. Kailan ba ko matatauhan sa mga bakit na ‘yan? Ewan ko. Pwede bang itanong ko naman ay “Paano?” Alam kong ako lang naman rin makakasagot nito eh bakit tinatanong ko pa rin? ‘Yan at nagtanong na naman ako nang “bakit?”

Sa loob ng anim na buwan, sisikapin kong bumalik sa sistema ko. Alam ko may kanya-kaniya tayong tapang, nasa sa ‘tin nalang ‘yon kung hahanapin natin at gagamitin sa paraang alam nating kaya tayong hubugin bilang tao na nagpapakatao. Sa loob ng anim buwan, alam kong napakaraming libro na naman ang mababasa ko saba’y dadamdamin, nanamnamin lahat ng nakasulat sa bawat pahina. Sa ngayon, gusto ko lamang na huminga at taligdan ang mga bagay na hindi nakakatulong sa pag-angat ko. (Mga tao rin pala)

Sipit sa istoryang walang tapos;

“Tulad mo’y isang talon na walang tigil sa pag-agos; ang tinutukoy ko’y iyong luha. Kung pagod ka na’t gusto ng humimbing, narito’ng aking katawan. Nangangahas hawakan ang tulad mong isang matinik na rosas”

(Salamat Rosas ng Digma sa pagbibigay sa ‘kin ng buhay at pag-ibig)

Habang binabasa ninyo ‘to, unti-unting pumapasok sa isip ninyo na walang kwenta ‘tong sinusulat ko. Umamin na kayo dahil ako rin, nawawalan na ng pag-asang titino pa utak ko. Nasulat ko lang naman ‘to dahil sa pagiging umaasang bigo ko sa mga pangyayari sa buhay ko. Matino naman ako at propesiyonal na tao pero yung salitang “tao” ang nakapagpapa-kalma sakin at nakakapag-patunay na tao nga ako dahil nasasabi kong tao ako kasi dama kong tao ako. Isa lang naman kasi patutunguhan nitong tulang sinulat ko sa itaas eh. Ang mabigo ulit. Pero sana hindi.

Eh kasi, gusto kitang mahalin. Gusto kong magmahal ng tunay na taong may pandama sa nararamdaman ng ibang tao at hindi lamang pandama niya ang pinakikiramdaman.

Ayun lamang. Ako’y pumadayon lamang sa dako kung saan nagsama-sama mga umibig, nabigo, nag saboy ng kalungkutan sa sosyal midya tapos bumalik sa takbo ng buhay.

Advertisements

Breathe In Thy Life

You can’t see light if you won’t open your eyes.
You won’t see the beauty of colors without the glimpse of darkness.
Coz you don’t know whats waiting if you don’t dare.
Likewise life
Happiness is always with sorrow
Rainbow is always after the rain
So spread your wings
And feel, as long as you can still feel.

——————————————————————————————————————————

Note: Photo not mine.

TULA PARA SA TAONG LAGING TAMA

Napag-iwanan ka na ng panahon,
Pero sumasabay ka parin sa agos.
Parati mong iniisip ang tama,
Ni minsan hindi sumagi sa isip mong iisa lang ang buhay.
Takbo ka ng takbo sa mga bagay na dapat hinaharap mo,
At pinagsisiksikan ang sarili sa mga bagay na sinisira ka sa likod mo.
Balikan mo yung panahong sinabi mong ginawa mo kung ano’ng tama,
Nakabuti ba ito para sayo?
Lahat tayo’y may oras na dapat ilagi sa mundo
Ang iba’y kahit nauupos ng kandila’y lumalaban parin
Samantalang ang iba’y bumibili ng oras ng iba
Ikaw, tulad ko at tulad nang mga taong patuloy na hinahanap ang tunay na saya ay parang abo na galing sa nasunog na puno
Na hindi namamalayang kinukuha ang kaligayahan ng iba
Para lang sa pansariling kapakanan
Tanong ko lang, tulad ba ng mga punong,
May naibigay tayo sa iba bago tayo maglaho sa mundo?

——————————————————————————————————————————

Photo Source: https://tenhi.bandcamp.com/album/folk-aesthetic-1996-2006

Uxor Est Exspiravit

I sailed my hands on your neck and whispered something both of us only know. You looked me in the eye and said “I’ll never leave”. I played with your hair and talked about conspiracies. You held my hand and put your head on my shoulder. We tried counting sheep but we can’t sleep. I ran my fingers to your lips then gave it a peck. You got up to see the moon and I saw your naked beauty in the shadow. I followed you and traced your spine down to the small of your back. You’re shivering so I wrapped my arms around you. You turned around and touched my face. I told you we have the whole night and played your favorite song. We’re still wide awake. Eye to eye, you asked, “ Do you ever think about the future? What can you see” I answered “us”. Then I saw a smile on your face and said “Don’t be afraid to love again if ever time takes me away from you”. I kissed your temple and you said “we should go to sleep now”. So we closed our eyes and I gently kissed you cheeks.
I woke up starring at the ceiling. I said “ Thank you for last night. Happy fifth wedding anniversary ”.
It’s her fourth death anniversary today. And yes, I’m loving someone now.
It’s our daughter.

—————————————————————————————————————————

Photo Source: http://www.gramunion.com/shadow—fiend.tumblr.com