Alalahanin Mo Ako Sa Pagkumpas Ng Hangin

Kataga mo’y sugat sa kalamnan,

pamatid uhaw sa pusong naghihingalo,

hangin sa natutuyong kaluluwa,

at

tubig sa labing naghahanap ng sagot.

Para sa¬† ‘yo ito,

nawa’y pagtagpuin tayo ng pagkakataon.

Bukas o sa makal’wa

hindi natin bibitinin ang pagkakataon,

hindi tayo bibitinin ng pagkakataon.

Kaya’t sa pag-tanaw mo sa bukas,

aabangan kita,

kahit saan pang dulong naroon ka.

Continue reading “Alalahanin Mo Ako Sa Pagkumpas Ng Hangin”

Advertisements