Balatkayo

Huwag mo siyang titigan sa mata dahil baka mahalata niyang limot mo na.

Limot mo na,

Kung paano niya hawiin ang kaniyang buhok sa tuwing magsasalita,

Kung paano niya hawakan ang iyong mukha sa tuwing maglalapat ang inyong mga labi,

Kung paano niya ihele ang iyong katawan kahit hindi ka niya hinahawakan,

Kung paano niya pinanginginig ang iyong kaluluwa sa tuwing dadampi ang kaniyang mukha sa iyong leeg.

Huwag, tama na.

Huwag mo nang tangkain na hawakan siya at ipadamang wala ka nang nararamdaman,

na hindi ka na napapaso sa dala niyang elektrisidad,

na hindi mo na kabisado ang bawat sulok ng kaniyang kabuuan,

na hindi mo na dama ang init ng kaniyang hininga sa iyong balikat sa tuwing may ibubulong siyang kayo lang ang nakakaalam.

Tama na.

Huwag na.

Huwag mo nang basagin ang kaniyang katahimikan — katahimikang walang kapayapaan,

Huwag na sanang mangusap ang iyong mga mata upang akitin siyang muli sa iyong apoy,

Huwag mo nang hawakan siya sa leeg gamit ang sarili niyang emosyon at pagnanasang makasama ka sa pagsikat ng araw,

lisanin mo na ang kaniyang katawan; labi’y huwag na ring damhin.

Bitaw na.

Parang awa mo na.

Baka kasi mahalata niyang sinungaling ka.

Dahil,

Ni hindi lumisan sa sulok ng alaala mo ang bawat parte ng kaniyang pagkatao,

magmula sa paghawi ng buhok niya, sa paghinga ng malalim habang ika’y alalay niya, sa pagdampi ng kaniyang haplos sa iyong kaluluwa,

Ni hindi lumisan sa parte ng iyong pagkatao ang pagsulat niya ng isang berso ng pag-ibig sa iyong katawan gamit ang kaniyang labi,

Kabisado mong lahat,

pati panginginig ng iyong kalamnan ay walang pinagbago.

Kaya huwag na lamang,

Huwag,

Tumingin,

Damahin,

Baka mahalata niyang,

Balatkayo lamang ang lahat.

Advertisements

The Church

I believed in you,

You believed in me.

We both said Amen,

While racing up to the bottom to reach our climax.

Our mouths — tied,

Eyes are locked,

I rest my bones on top of your shaking chest,

While I say

‘believe in you’

While you say

‘I have no religion”

I believed in you,

You believed in me,

My shrine is open,

Guess what?

We’re worshipping different saints.

Ang Nais at ang Dapat

Hindi mo kayang ibigay ang gusto ko.

Gusto kong lumipad,

magkaron ng kapangyarihan,

pag laruan ang oras,

manirahan sa pantasya.

Pero salamat sa pagkakait sa akin nito,

Sa paghatak sakin palapit sa baba at panatilihing nakalapat ang paa ko sa lupa.

Salamat sa pag hawak ng kamay ko nang hindi ako tuluyang tangayin ng pantasya ko.

Salamat dahil hanggang ngayong ay buhay pa ako at lumalaban,

Hindi ako natuloy sa alapaap,
Para makita ko ang sukdulan ng mundo,

Napagtanto kong,
Sa paglapat ng paa ko sa lupa, mas nakilala ko ang mundo ng masa.

Nuong ika’y tahanan.

Tahanan.

Noon.

Nangupahan lang pala ko at sa pag-alis ko,

wala akong iniwan;

dinala ko lahat para walang latak sa espasyong lilisanin ko.

At sa sobrang pagmamahal ko sa tahanang iyon,

ako pala ang may natangay na piraso ng bubong na minsan kong naging silong.

————————————————

Basahin mo ang aking salita:

Nung mga nakaraang araw, hirap akong matulog, bumangon, ni kumaim at umihi hindi ko magawa. Hindi dahil may masakit sa akin (ay wala ba?) kundi dahil wala lang talaga akong ganang mabuhay.

May mahal ako, mahaba siya (mahabang istorya). Kaso alam kong ginawa lang akong plangganang tagasalo ng emosyon niya. Bumalik ‘yung dati kong minamahal na mahal ko pa rin pero hindi na ako sigurado sa pagmamahal ko ngayon dahil may minahal siya at ako pa yata anng dahilan ng pagkaudlot. (self-pity) Sa totoo lang, ang gulo gulo gulo ng araw araw ko ngayong panahon ng halimaw (panahon ni digong). Hindi ko naman ginusto ‘yung ganito. Sobrang nasusuka na ako sa pagpigil ko ng luha kasabay ng araw araw na pananakit ng ulo ko.

May mga gabing hati ang desisyon ko sa buhay. May parte kasi sa akin na gustong tambayan ‘yung sakit, gustong maramdaman lahat ng emosyong inipon ko at gustong madurog para isang iyakan nalang. Isnag sakitan nalang. Isang bagsakan nalang. Pero may parte ring gustong hayaan nalang. Hayaang kusang umagos kung kailan aagos. I grab ‘yung oportunidad na maaaring kang maging masaya kahit alam mong eventually mawawasak ka rin. Dalawang desisyon parati. Nahahati sa takot na sumuong sa agos at sa pagiging buo ang loob anoman mangyari.

Kung minsan na kayong naging ganito, payo ko lang na mas piliin ninyong sumaya at magipon ng masasayang ala-alang makakapag pacify ng nararamdaman niyong matinding emosyon. Wala naman kasi talagang kasiguraduhan lahat ng bagay pati tao. Panahon, lumilipas. Kulay at tamis, kumukupas. Kaya huwag niyong hayaang mabuhay lang kayo ng puro pait. Mahirap pero subukan natin.

Make Trails On My Body

And tonight, I just found myself lost in translation,

I lust for your attention,

I crave for your affection.

This is just one of the many nights,

I longed to write my story in your skin using my mouth.

then,

As I sail my fingers on your soul,

as I gently caress your lips,

I knew,

That some may be the journey,

but not the destination —

and I hope,

As you traverse along my body,

you’ll follow the path,

to where I’m screaming.

Tabing Dagat Anthology: Pagkapaso sa gitna ng lamig

Sakaling anurin, makikiusap na huwag pabalik sa ‘yo. Ayoko nang malunod, sa ragasa ng iyong presensya.

Hayaang umabot ako sa kabilang dako,

Ako lalangoy na, papalayo sa ‘yo,

Dahil sa sorang lamig, ako’y napaso.

At nang mapaso’y lalo mong pinag-alab ang sarili.
Hindi sa pag-ibig,
Kundi sa galit.
At hinayaan mo akong masunog,
Habang pinapatay ko ang ‘yong baga.

Hindi na kinaya ng alon,

Nagmistulang yelo na dumulas sa balat,

Ako’y napaso.

Hindi ng pag-ibig,

Kundi ng galit.

Tabing Dagat Anthology: Hangin

Kumumpas ang hangin ng isang melodiya para sa atin,
Ngunit sarado ang iyong tahanan upang madampian ng amihan,
Kumumpas muli ang hangin ng isang ritmo na syang nakapagpagalaw sa alon,
Di alintana ang pagkampay nito sa mababaw na bahagi ng karagatan;

— ibinuhos ng hangin ang buong lakas makalikha lamang ng along yayakap sa ating dal’wa.

Akala ko’y sapat na ang alon ng dagat para sa ‘yo,

Ngunit naghahanap ka pa pala ng ilog na babaybayin.