’til That Day

Until I meet you there,
Somewhere in the future,
somewhere,
where we no longer long for each other’s touch.
Sometime,
Maybe tomorrow.
We could share our stories.
We can, if we could.
We can write it down over tears,
Dance despite many fears.

Until I meet you there,

I’ll keep on walking alone.

Advertisements

Unang Parte: Prosa Ng Nawawala

Paano nga ba ba ulit sumulat? Paano nga ba ako ulit magsisimula?

Hindi ko alam kung paano o saan ko uumpisahan ang mga naudlot kong kuwento…

Isa, dalawa, tatlo…

Oo naalala ko na. Ang gusto ko kasi dire-diretsong lamang ang daloy ng mga salitang bibigkasin ko na ilalathala ko. Masayang mabuhay pero mahirap. Iyon siguro ang hamon sa ating lahat hanggat humihinga pa tayo. Hindi ka na lamang basta basta iiyak katulad ng pagiyak mo kapag nasugatan ka sa palaruan. Kailangan mong itago ito sa sarili mo pagkat hindi mo gustong maulanan ng panandaliang atensyong makukuha mo sa mga kaluluwang halang sa sa emosiyon.

Nasa malaking palaruan ka na. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi tayo naglalaro dito. Walang “laro” kundi puro palaisipan. May mga bagay na dadapo sa gunita ngunit mawawala rin. Nakakainis nyemas. Ipapaalala sa ‘yo ‘yung mga bagay na ibinaon mo na sa limot tapos lilisanin ka na parang walang iniwang sugat sa ‘yo. Sinaktan ka na naman ng alaala mo no? Hindi ka pa nga nakakabangon tapos pasulpot sulpot na lumilitaw ‘yung mga multo ng nakaraan.

Isa, dalawa, tatlo…

Oo naaalala ko na! Tungkol ‘to sa pagkain ng sistema sa akin pero dahil mas malakas ako, natalo ko ‘to. Dito sa piitang kinabibilangan ko, maraming rehas at dahil rehas lamang ang pagitan ng bawat isa, marami akong nakitang sa tingin ko magagamit ko sa mga darating na araw. Hindi ko naman nais madumihan ang gunita ko, pero sa labanan ng dalawang demonyo, mas piliin natin ang mas mahinang puwersa. Alam mo na, play safe tayo para na rin hindi tayo tuluyang yakapin ng dilim. Ayos lang madampian ng bahagiyang kadiliam kaysa naman kainin ka nito ng buo.

Ito na siguro ang lamang ko kahit ayokong sabihing nakalalamang ako sa pagiging gago, naranasan ko na ang impiyerno at nalagpasan na ito. Kaya tatawanan ko nalang kung ano mang kademonyohan ang makikita ko.

Nawala ang pagiging puro ng pagkatao ko (kahit alam kong hindi tayo puro sa umpisa palang ng pagkabuhay natin) dahil sa mga kagaguhang pilit na ipinakain sa sistema ko. Sabagay, ang mga tao ay may kabaitan pero hindi sobra at may kabutihan pero hindi puro. Tumatawa na lamang ako sa tuwing may magtatangkang demonyohin pagiisip ko dahil mas malakas ang pananalig ko sa nasa Itaas. Alam kong makipagsabayan sa kanila kung gugustuhin ko. Mga tao ngayon salat sa kaligayahan eh kaya pati kaligayahan ng iba kukunin.

Napagtanto kong kung wala na akong nakukuhang pagrespeto sa dignidad ko ay mas mabuti na umalis nalang ako dahil araw araw para akong binabaon sa upuan at lamesa ko. Para akong pinapatay nang paulit-ulit pero ang masakit na parte doon ay buhay pa ako at patuloy na ibinabaon. Araw araw para akong sinisintensiyahan at sa gabi lamang ako nakalalabas. Para akong naka parole dahil malaya pero hindi malaya. Nakuha niyo?

Sa tuwing nakikita ko mga maskara ng tao, para akong sinusunog dahil nagiinit mga mata ko. Hindi ako kawawa porket nawawalan ng direksyon buhay ko ngayon ha. Habang pinapatay ako ay doon ako nanggigigil na gumapang at bumangon.

Palagi ko na lamang inaalala kung paano ako iniligtas ng mga taong totoo sa akin.

Isa. dalawa, tatlo…

Ayan na naman sila, pumapasan na naman sa akin. Teka, palayasin ko lang muna ulit.

Babalik ako…

Tungkol sa Paru-Paro

May nais akong ikuwento, kaibigan. Ito ay tungkol sa isa paru-parong dumapo sa aking balikat, nanatili ng ilang segundo para ibulong ang pantasiya niya sa buhay at pagkatapos ay lumisan rin siya. Hindi siya bagay sa lupa kung saan nakaugat ang mga paa ko. Bagay siya sa himpapawid habang tinutukso ang mga mata ng kaniyang ganda. Ito kasi ‘yon…

Sa una’y hindi kapansin pansin, hindi mawari kung anong dulot niya kung bakit ang isang insekto ay gumapang sa akin hanggang sa hindi na siya lumisan. Hanggang sa naging isa siyang karakter na may malaking bahagi sa istoryang sinusulat ko.

Noong siya ay nahihimbing ng tulog, maraming sumubok na pitasin ang tangkay ng dahon kung saan naroon siya. Ngunit sa kabila ng mga pagtatangkang iyon, namulaklak ang kaniyang katawan na noon ay sa lupa lamang sumasayad, pagapang-gapang lang.

Nang matuto siyang lumipad, nagdadalawang isip ako kung hahabulin ba siya hanggat hindi pa siya nakakalipad ng malayo o hahayaang mahalin niya ang paligid na kinabibilangan niya. At sa labis na pagmamahal ko nga sa uod na ‘yon na naging paru-paro ay handa akong yakapin ang tinik ng mga rosas sa iba’t ibang hardin na dinadapuan niya huwag lang masugatan ang pakpak niya.

Napaisip ako kung siya ba ay ikukulong sa garapon upang manatili sa akin gayong alam kong ikamamatay niya ito?

Mahirap pakawalan ang mga karakter sa istoryang minahal mo na. Pero naisip ko, hindi makasarili ang pagibig kaya hinayaan kong sumayaw siya sa saliw ng hangin. Mas nanaisin ko nang tanawin siya habang lumilipad, kaysa hayaan siyang maubusan ng hangin sa garapon. Handa rin akong harangin lahat ng magtatangkang hulihin siya upang gawing palamuti. Dahil ang ganda niya’y hindi lamang gandang kaaya aya sa mata bagkus, taglay niya ang gandang nakapupuno ng kaluluwa. Ang gandang taglay niya’y isang lihim na hindi kayang itago ng kung sino sino lang.

Kagaya siya ng hangin,nawala rin matapos pataasin ang balahibo ko at ako’y gaya ng ulap na ibubuhos sa lupa ang lahat ng tubig sa katawan kapag napuno na. Wala eh, kailangan niyang lumipad para may silbi pakpak niya.

Alam kong pagmulat ng mata ko isang araw ay magkikita kaming muli kahit burado na ako sa kaniyang isipan. Ngunit hanggat hindi dumarating ang araw na ‘yon, patuloy ang pagkilala at pagalala ko sa gandang pumukaw ng mata at kaluluwa.

“Kapag pagod ka na, bukas ang aking bintana at doon ka humimbing.” – ang huling katagang ibinulong ko sa kaniya bago niya lisanin ang balikat ko.

Of Beer Bottles and Lost Souls

I used to recognize myself
No one knows, no one knows
I’m scaring myself,
My reflection has changed.

It’s strange, oh how strange,
When the only thing I could kiss is a flask.
My heart’s pumping,
and the only thing I could puff is cigarettes.

Spirits flew,
like how liquor bottles pop,
I’m losing it all, I’m losing it all.
I’m losing the will,
I let go, I’m a guitar out of tune that is in dire need of strings.

I used to recognize myself…

Now I only see my reflections on a glass of champagne.

Let’s take a shot for my pain.

Coz I used to…

Now,

I’n feeling used.

Sa Paglipad at Paglubog

Gusto kong lumipad, magkaron ng kapangyarihang pag laruan ang oras at manirahan sa pantasya.

Maging isang ibong malayang nakalilipad sa himpapawid at mala-isdang kung lumangoy ay napakasuwabe kung gagamit ng salitang balbal.

Sa paglaon, napagtantong hindi malaya ang mga ibong lumilipad kundi binanagtas lamang ang napakahabang tanikala,

Ang mga isda ay sumusunod na lamang sa agos kahit sila’y buhay pa.

Ninais kong lumipad ngunit ako’y dinala sa itaas upang lumubog.

Salamat mga kapatid kong puno, lupa at hayop,
Sa paghatak sakin palapit sa baba at panatilihing nakalapat ang paa sa lupa.
Salamat sa pag hawak ng kamay ko at hindi natuluyang tangayin ng pantasya.

Salamat dahil hanggang ngayon ay buhay pa ako at lumalaban,
Hindi ako natuloy sa alapaap upang habulin ang pinapantasiyang ibon,

Inilubog ako ng sariling gunita,
Para makita kong ang sukdulan ng mundo’y hindi matatapos sa isang pagikot lamang,

Kundi sa maramimg ulit na pagbaba at pagtaas ng pisi.

Napagtanto kong,
Sa paglapat ng paa ko sa lupa, mas nakilala ko ang mundo ng masa.